Sunday, October 3, 2010

Payak na tanong, palpak na sagot (part 1)

Tanong: Ano sa Tagalog ang teeth?
Sagot: Utong.

T: Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?
S: Umiilaw.

T: Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao?
S: Humanitarian.

T: Sina Michael at Raphael ay mga?
S: Ninja.

T: Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?
S: Sunog.

T: Magbigay ng sikat na Willie.
S: Willie the Pooh.

T: Ang mga Hindu ay galing sa anong bansa?
S: Hindonesia.

T: Anong hayop si King Kong?
S: Pagong.

T: Magbigay ng mabahong pagkain.
S: Tae.

T: Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?
S: Canadia.

T: Kumpletuhin, Little Red?
S: Ribbon.

T: Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?
S: Buhok.

T: Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin.
S: Tinga.

T: Anong oras kadalasang pinapatay ang TV?
S: Pag balita.

T: Ano ang tawag sa anak ng taong grasa?
S: Baby oil.

T: Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halo-halo?
S: Sweetzerland.

T: Sinong higanteng "G" ang tinalo ni David?
S: Godzilla.

T: Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?
S: Itlog ng tao.

T: Anong "S" ang tawag sa duktor na nag-o-opera?
S: Sadista.

T: "Blank is the best policy."
S: Ice tea.

T: Anong parte ng itlog ang masarap?
S: Yung tangkay.

T: Saan binaril si Jose Rizal?
S: Sa likod.

T: Fill in the blanks, "Beauty is in the eye of the?"
S: Tiger.

T: Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?
S: Saging.

T: Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Ingles sa toyo?
S: Baliw.

T: Anong tawag mo sa anak ng kapatid ng nanay mo?
S: Kamag-anak.

T: Saan nakukuha ang sakit na AIDS?
S: Sa motel.

T: Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?
S: Cold water.

T: Sinong cartoon character ang sumisigaw ng "yabba dabba doo?"
S: Si Scooby Dooby Doo.

T: Ilan ang bituin sa American flag?
S: Madami.

T: Ano ang tawag sa taong isa lang ang mata?
S: Abnormal.

No comments:

Post a Comment

Trip o dehins?