Saturday, January 29, 2011

FA Sabretooth FO2 (QuickieComics.com)

http://quickiecomics.com

Cardback: "The most bitter of enemies, Wolverine and Sabretooth's battles have been legendary. With an unbreakable adamantium-laced skeleton, retractable claws, and a healing factor that will heal any wound, Wolverine has stood by the X-Men in their unwavering fight to preserve Professor Charles Xavier's dream of peaceful coexistence between man and mutantkind. Sabretooth, an evil, savage mutant with super-strength and a healing factor of his own, has met few who can match his ferocity and raw power. Two warriors, two perfect rivals, one fighting for right, the other for might: life-long mortal enemies who both know they must fight to the finish!"



Unang lumabas sa Iron Fist #14 noong 1977 na isinulat ni Chris Claremont, ang first-appearance Sabretooth ay base sa drowing ni John Byrne at may taas na 7". Bilang katambal ng FA Wolverine sa 2-pack Face-Off 2 ng Toy Biz ML, mas marami itong points of articulation (42) dahil sa mga daliring naigagalaw at moldeng bago rin ang sculpt.



Bukod sa nakatikom na bibig, meron itong variant figure na nakanganga at nagpapakita ng matatalim na pangil.



Kombinasyon ng mga kulay ng kalabasa, kape, tsokolate, at uling ang tema ng fig habang kulay puti naman ang mga mata nito tulad ng kay FA Wolvy. Makatotohanan ang pagkakaukit ng malagong buhok, balbas, at mga balahibo nito sa ulo, balikat, dibdib, braso, at binti. Di tulad ng kanyang kapares, walang problema ang paint job ng laruang ito.



Trivia: Tuwing kanyang kaarawan at kahit saan mang lupalop siya magtago, si Wolverine ay laging natutunton ni Sabretooth upang sagupain. Sa lahat ng kanilang naging laban, palaging talunan ang nakababatang Wolvy ngunit ni minsan ay di siya tinuluyan ni Sabretooth--bagamat kaya naman niya itong gawin. Ito ay dahil na rin sa orihinal na ideyang ang dalawa ay tunay na mag-ama. http://quickiecomics.com

4 comments:

  1. hiya la liza! welcome back to the ph! have a nice vacation ,-)

    ReplyDelete
  2. Hahaha, may potential maging comic writer ha. Pausuhin mo instead na drawing, action figures ang nasa comic

    ReplyDelete
  3. i'm on it, jack pre. watch out for Mangha Komiks! coming soon ,-)

    ReplyDelete

Trip o dehins?