Saturday, January 29, 2011

Metal: A Headbanger's Journey



Starring: Tony Iommi, Ronnie James Dio (Black Sabbath), Dee Snider (Twisted Sister), Alice Cooper, Rob Zombie (White Zombie), Vince Neil (Motley Crue), Bruce Dickinson (Iron Maiden), Lemmy Kilmeister (Motorhead), Sam Dunn, etc.
Director, Writer, Producer: Sam Dunn, etc.
Distributor: Seville Pictures, Warner Home Video
Release date: 2005
Language: English
Running time: 1 hr. 36 mins.



Naitanong niyo siguro: Sino ba 'yang Sam Dunn na 'yan? (na katunog ng salitang "Satan") Isa siyang (kana dito, kana doon) Canadian, 31, may BA at MA sa anthropology at history, at isang tagapakinig ng heavy metal mula noong 12 taong gulang siya. Ang Metal: A Headbanger's Journey ang kanyang debut sa mundo ng pelikula sa tulong ng kaibigang si Scot McFadyen ng Banger Films, Inc. Isa itong dokumentaryo tungkol sa musika't kulturang nakaimpluwensiya sa kanya at sa milyun-milyong tagasunod nito sa buong mundo (kasama na ko). Unang ipinalabas sa Toronto International Film Festival noong 2005, kumalat ang video sa pormang 2-disc special edition DVD sa US noong 2006 at nakarating na rin sa Quiapo--at siyempre, sa PC ko.



Tulad ng inaasahan, propesyunal at intelektuwal ang pagkakatira ng dokyu na sumaliksik sa ugat ng genre-ng metal. Bagamat may ilang bandang nabanggit, iisa ang pangalang lumutang hinggil sa kung sino ang pinakaunang nag-metal: Black Sabbath. Lumitaw rin ang pangalan ng bokalista nilang si Ronnie James Dio bilang siyang nagpasikat ng senyas na devil horns \m/ sa mga konsiyerto.



Natatangi ang mga panayam na ginawa ni Dunn sa mga artistang naging haligi ng metal at sa mga kasalukuyang bandang tumutugtog nito--karamiha'y taga-Amerika, Ingglatera, at Europa. Nakakatawa ang pagsasalaysay ni Dee Snider ng Twisted Sister hinggil sa kanyang pagharap sa mga censorship hearings ng PMRC* sa US Senate noong 1980s na nagbunga ng etiketang "Warning/Parental Advisory: Explicit Content/Lyrics" sa mga plaka, tapes, at CDs ngayon.



Bukod-tangi rin ang ginawang interbyu sa mga bandang black metal sa Norway tulad ng Gorgoroth, Emperor, Hades Almighty, at Mayhem na pawang nasangkot sa mga kontrobersiyal na isyu ng satanismo, suicide, murder, at panununog ng ilang antigong simbahan sa nasabing bansa noong 1990s.



Nakatawag-pansin ang pagbisita ni Dunn sa mala-Woodstock na open-air festival sa Alemanya na ginagawa taun-taon sa bayan ng Wacken sa loob ng 3-4 na araw sa buwan ng Agosto. Dito itinampok ang humigit-kumulang na 40,000 tagahanga ng metal na dumayo pa mula sa iba't ibang bansa para lamang magkasama-sama sa panonood ng mga paborito nilang banda.



At kung meron mang isang patunay sa pagiging akademiko ni Dunn, ito ay ang malupit na pagkakagawa ng kanyang family tree/genealogy ng musikang metal--kumpleto pati sa band logos. Animo'y nasa loob ka ng isang klase sa kolehiyo at nakikinig sa isang propesor na bukod sa mahaba ang buhok ay mukhang adik at nagle-lecture gamit ang isang astig na pantulong-biswal.



Bilang paglalagom, hayaan kong ang mga huling panayam sa dokyu at ang mismong pagtatapos ni Dunn ang magsara ng blog post na ito:



"So here we are, 35 years after Black Sabbath first played the devil's note and metal culture is still thriving, a new generation of fans has emerged and the old guard is going strong. When I set out on this journey to answer one question: 'Why is heavy metal been consistently stereotyped, dismissed, and condemned?' And what's become clear to me is that metal confronts what we'd rather ignore, it celebrates what we often deny, it indulges in what we fear most, and that's why metal will always be a culture of outsiders...



"For young people it's a place to belong where you can experience other possibilities and transcend everyday life in a very glorious way...



"And it's purging.I think metal performs that task, a sort of letting us get rid of a lot of tension--it's a catharsis...



"Is heavy metal a sacrament? For some people it is. If it keeps kids alive, if it gives them hope, if it gives them a place to belong, if it gives them a sense of transcendence, then I believe it's a spiritual force, I believe it's a pipeline to God...



"Ever since I was 12 years old (16 in my case) I had to defend my love for heavy metal against those who say it's a less valid form of music. My answer now is that you either feel it or you don't. If metal doesn't give you that overwhelming surge of power that makes the hair stand up at the back of your neck, you might never get it, and you know what? That's okay, because judging by the 40,000 metalheads (in Wacken) around me, we're doing just fine without you."

*Parents Music Resource Center

2 comments:

Trip o dehins?