Wednesday, February 9, 2011

Angelo Reyes (SLN)

AT NAKALIMUTAN ANG DIYOS
WUDS

Dito ba sa mundo ano ang tunay na kailangan?
Ang magpakasarap at magkamit ng kayamanan
Ano mang kayamanan na akala mo'y walang hangganan
Darating ang panahon iyan ay iyong iiwan

Sobrang kapangyarihan
Sobrang kayamanan
Sobrang katakawan
Ilan sa mamamayan ang nagsisigawan
Mga ganid! Mga ganid!

Marami ang nag-akalang siya'y makabayan
Gumamit pa ng salitang "kalayaan"
E ang demokrasya at kalayaan
Ay nakasalalay sa ating kakayahan
Na pigilin at kontrolin
Ang pagnanasa at mga gawain

E ano bang gusto mo na magpapasaya sa iyo?
Ito ba ang karangyaan sa pamumuhay

Malaking bahay
Magarang kotse
Maraming pera
Magandang asawa
May mga anak
May mga damit
Masarap na pagkain
Sikat na sikat kasi may pangalan
Pero nakalimutan ang Diyos

Ang daming namatay noong nakaraang patayan
Nagkabigayan
Ilan ang mamamayan na nagsisigawan
Tahimik! Tahimik!

No comments:

Post a Comment

Trip o dehins?