Monday, March 21, 2011

Wikipediang Tagalog: Punk, Musika (PinoyPunk.com)

http://pinoypunk.com My wiki entry continued: http://tl.wikipedia.org/wiki/Punk#Garage_rock_at_Mod



Punk / Musika

Garage rock at Mod

Kalagitnaan ng 1960s nang pumutok ang garage rock sa Estados Unidos na isa sa naging ninuno ng punk rock. Tinawag na "garage" rock sapagka't karamihan sa mga baguhang banda ay binubuo ng mga tinedyer na mula sa panggitnang uri na kadalasa'y nag-eensayo sa garahe ng kani-kanilang bahay sa paligid-lungsod.12 Dahil sa walang-karanasan sa musika at pagtugtog ng instrumento, karaniwan nang paungol ang pag-awit--kundi man pasigaw, distorted ang tunog ng gitara--salamat sa "fuzzbox", at humigit-kumulang sa tatlo ang chords--tulad na lamang ng kantang "Louie, Louie" na kinober ng The Kingsmen.13 Ang minimalistang tunog ng garage rock ay naimpluwensiyahan ng British Invasion gaya ng mga bandang mod sa Ingglatera na The Small Faces at The Who--nagpasikat sa awiting "My Generation". Tulad ng kantang "All Day and All of the Night" ng The Kinks, ang "predecessors of the whole three-chord genre--the Ramones' 1978 'I Don't Want You,' for instance, was pure Kinks-by-proxy."14 Bagama't di maikakategoriyang punk rock, marami sa mga bandang garage rock ang isa sa mga unang binansagan ng "punk" ng midya.

Proto-punk

Mula huling bahagi ng 1960s hanggang unang bahagi ng 1970s, naglitawan ang mga grupong magkakaiba ang tunog nguni't maituturing na impluwensiyal sa pagsilang ng punk rock. Ayon sa gabay ng Allmusic, kabilang ang mga nasabing banda sa bansag na proto-punk bagama't hindi ito "cohesive movement, nor was there a readily identifiable proto-punk sound that made its artists seem related at the time," at ang tanging nagbibigkis sa isa't isa ay ang kani-kanilang aktitud o itsura na "consciously subversive and fully aware of its outsider status."15

Sumulpot noong 1969, ang debut albums ng dalawang grupong garage rock mula sa Michigan ang magiging sentral sa tunog ng proto-punk: ang Kick Out the Jams ng MC5 mula sa Detroit, kung saan "most of the songs are barely distinguishable from each other in their primitive two-chord structures" na maikukumpara sa tugtugan ng mga naunang bandang garaheng bato gaya ng Blue Cheer, ? and the Mysterians, at The Kingsmen;16 at ang self-titled album ng The Stooges sa pangunguna ng bokalista nitong si Iggy Pop--itinuturing na "Godfather of Punk"--na tila ba "sound of Chuck Berry's air-mobile after thieves stripped it for parts."17 Ang The Stooges ay pinrodyus ni John Cale ng grupong experimental rock sa New York na The Velvet Underground--na may "reputation as the first underground rock band."18 Samantala, maimpluho rin ang bandang The Modern Lovers ni Jonathan Richman na isang deboto ng V.U. sa Boston.

Bukod sa mga nabanggit, ang ilan pang pangkat o indibidwal na malaki ang naiambag sa pagdebelop ng punk rock ay ang glam na The New York Dolls, ang Rocket from the Tombs, sina Lou Reed (ex-V.U.) at Captain Beefheart, ang elektronikang duo na Suicide, at ang triong Death mula sa Amerika; si David Bowie, ang space rock na Hawkwind, at ang mga grupong art rock na Roxy Music at Doctors of Madness mula sa Ingglatera; at ang krautrock naman na Neu! mula sa Alemanya.

Reperensiya

12. Abbey (2006), p. 74.
13. Sabin (1999), p. 157.
14. Harrington (2002), p. 165.
15. "Proto-punk" mula sa Allmusic.com
16. Bangs, Lester. "MC5: Kick Out the Jams" rebyu, Rolling Stone, 5 April 1969.
17. Marcus (1979), p. 294.
18. Taylor, p. 49.

Sanggunian

Abbey, Eric James (2006). Garage Rock and Its Roots: Musical Rebels and the Drive for Individuality (N.C: McFarland & Co).
Harrington, Joe S. (2002). Sonic Cool: The Life & Death of Rock 'n' Roll (Milwaukee: Hal Leonard).
Marcus, Greil, ed. (1979). Stranded: Rock and Roll for a Desert Island (New York: Knopf).
Sabin, Roger (1999). Punk Rock, so What? The Cultural Legacy of Punk (London: Routledge).
Taylor, Steven (2003). False Prophet: Field Notes from the Punk Underground (Middletown: Wesleyan University Press). http://pinoypunk.com

7 comments:

  1. Grabe pa rin talaga ang obsesyon ng Pinoy sa Imperyalistang kultura, kahit sabihin mo pang "counter-culture" ito, ito'y likha pa rin ng imperyalistang lipunan na HIWALAY sa kultura ng tulad ng isang mala-kolonyal at mala-pyudal na bansang Pilipinas. Kahit gaano pa ka-progresibo o militante (sa perspektiba ng isang kolonyal) ang sub-kulturang mula sa US, ito ay organikong likha ng lipunang industriyalisado, abante, kapitalista at imperyalista. Hindi ito dapat ihalintulad o TULARAN.

    ReplyDelete
  2. Bakit pilit na hinahalukay ang kasaysayan ng subkulturang punk sa US na hindi naman umabot o naging tanyag sa Pinas? Ano ang punto nito? Ito ba upang patuloy na palaganapin ang Imperyalistang Kultura o dahil sobrang obsesyon sa kulturang dayuhan?

    May punk sa Pinas, nagsimula iyon kung saan o kailanman. TAPOS! Makalipas ang ilang dekada ng pangongopya at pagiging kolonyal (sa kabila ng effort na maging original: Dead Ends = Dead Kennedy's, DRI = RDA, IOV, GI n the Idiots, etc.) sa kalaunan ay naging PINOY PUNK na rin ito dahil sa katutubong katangian at pag-angkop nito sa Pinas. Tulad din ng Rock o Folk noong araw (o kahit New Wave pa), at maging hardcore at metal.

    Pero yun na iyon, dapat tangkilikin natin ito na ATIN. Isang musika o kulturang may CHARACTERISTIC ng pinoy, hindi na mahalaga na kalkalin pa yung KOLONYAL na pinagmulan nito lalu kung hindi naman ito angkop sa kultura natin. Instead, sobrang pagsalsal na lang ito at pagsamba sa DAYUHAN.

    ReplyDelete
  3. ^taas ang kilay, este, taas-kamao po ako sa inyo. sana po lahat ng pinoy ay kasinggaling o kasingpurista niyo at walang halong kaipokritahan o kakolonyalan sa isip, sa salita, at higit sa lahat -- sa gawa! yun po bang tapat na makapagsasabi sa ibang tao at higit sa lahat -- sa kanyang sarili, na di ako kumokonsumo ng kahit anong gawang imperyalista tulad ng imported o gawang-multinasyunal na sabon, syampu, tutpeyst, pabango, sopdringks, kape, gatas, palaman sa tinapay, pangsahog sa ulam, damit, pantalon, sapatos, atbp. yun po bang di tumatangkilik ni bumibili o nagpapadala sa kamag-anak sa abrod ng mga dayuhang imbensiyon gaya ng kompyuter, selpown, piespi, laptap, aypad, aypown, atbp. yun po bang di sumasawsaw sa dekadenteng kulturang pinalalaganap ng mga kanluraning midya tulad ng internet, peysbuk, prendster, multiplay, mayispeys, yahu, gugel, yutsyub, wikipedya, cnn, bbc, keybol tv, twiter, blagispat, atbp. yun po bang di nakikinig ng mga kantang banyaga o musikang naimpluwensiyahan nito gaya ng pap, rnb, rak, metal, pangk, hardkor, imo, nyu weyb, rap, hip hap, atbp. at yun po bang ni minsan ay di gumamit ng di-katutubong wika gaya ng ingles o taglish. kung taas-noo niyo pong nagawa ang lahat ng iyan, taas-kamay (pati paa) rin ako sa inyo -- nguni't datapwa't subali't kung hanggang komento lang kayo sa artikulong ito, wala rin kayong pinag-iba sa akin at sa karamihan ng masang flipinoy maliban sa toreng garing (o baka nga sa estados unidos pa!) kayo nagkikritiko, samantalang kami'y sa bangketa lamang habang may tagay na hinebra hahaha! ===>:-p

    ReplyDelete
  4. ^^simple lang naman po ang mithiin ng wikipedya: ang malayang palaganapin ang katutubong wika ng bawa't bansang kalahok dito. kaya't ganoon na lamang po ang aming pagsusumikap na makapagsulat o makapagsaling-wika ng mga paksa hinggil sa kulturang popular at akademikong saliksik sa wikang flipino o tangalog. ito'y dala na rin po ng katotohanang di lahat ng nag-iinternet ay nakakaintindi ng wikang ingles o nakatuntong sa kolehiyo (o baka nga sa amerika pa!) gaya niyo. mabuhay po kayo at hayaan niyo ring mabuhay ang ibang tao. sa unglish po: "live and let die, err, live."
    ^^^pahabol: sana rin po sa susunod ay may iba na kayong baon o bagong bukambibig sa pag-aanalisa ng lipunan at rebyulusyong flipino -- di na kase patok ang "mala-pyudal" at "mala-kolonyal" ni kasamang amado guerrero (na "made in china" at kinopya lamang kay mao) sa panahon ng waypay at parlamentaryong pakikibaboy, este, pakikibaka hahaha! ===>:-D

    ReplyDelete
  5. It іѕ nοt my fiгѕt tіmе to go to sеe thiѕ ѕite, i am browѕing this websіte daillу and obtain
    nice ԁatа from herе everуdаy.


    Mу page; Tier 5 (Temporary Worker) Migrants

    ReplyDelete
  6. Thіѕ piece of writing is іn fаct a
    fastidious οne it helps new internet useгs, ωho аre wіѕhing іn fаvor of blogging.


    Fееl free to viѕit mу ѕіte .
    .. Immigration Adviser Hackney

    ReplyDelete
  7. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete

Trip o dehins?