Sunday, April 24, 2011

Jesus H. Christ

On Palm Sunday
(originally posted by Hippie Commie in his Facebook notes on 28 March 2010)

Fuck authority! Ito ang ipinakita ng simpleng tambay na si Jesus H.* Christ ngayong Linggo ng Palaspas nang mag-gatecrash siya (literally) sa templong sentro ng established religion na pinamumunuan ng burgis na si Caiaphas. Itinaon mismo ni JHC sa panahon ng Passover ang kanyang pagdating kaya't nabulabog ang katahimikan nang biglang magpiyesta ang masa sa pagsalubong sa kanya. Binatikos ni JHC ang panghihingi ng buwis ng simbahan sa mga taong required na maghugas sa mga paliguan bago pumasok sa templo (among many other things hehehe). Tinira rin niya ang pagbabawal ng simbahan na makapasok sa "banal" na templo ang mga taong may kapansanan, may regla, may sakit, atbp. dahil madudumi o "impure" raw kasi--na siyang mga naging tropa ni JHC noong buhay pa siya. Kaya di nakapagtatakang ang mga bodyguard ng high priest na si Caiaphas ang mismong humuli sa kanya sa hardin ng Gethsemane bilang ganti. (itutuloy...natatawa ako hi-hi-*Hippie)





On Holy Thursday, Good Friday & Black Saturday
(originally posted by HC in his FB notes on 4 April 2010)

Jesus H.* Christ dead! Parang Sid Vicious tshirt at headline sa tabloid. Naisip ko tuloy balikan yung mga libro ko dati sa liberation theology, at panoorin muli ang BBC-Discovery channel TV docu na "JHC-The Real Story" na available na sa piratang DVD hehehe. At eto ang ilang mga bagay na bumulabog sa natutulog kong isipan hinggil sa pagkatao ng idol kong si JHC:

Bagamat nagsimula ang ginagamit nating kalendaryo sa kapanganakan ni JHC, hindi siya ipinanganak noong 1st century A.D. kundi 5 B.C. dahil na rin sa engot magbilang yung gumawa nito. At ano ang mayroon nang mga panahong iyon? Kung mahilig kang magbasa ng horoscope tulad ng 3 wise men--na mga astrologers by the way, madidiskubre mo na ang sinasabing star of Bethlehem ay walang iba kundi ang planetang Jupiter (simbolo ng royalty) na nagkaroon ng conjunction o pag-iisa sa Saturn (isa pang simbolo ng royalty) sa constellation ng Aries (tupa na simbolo ni JHC at mga Jews) na sinabayan pa ng kung ilang lunar eclipses. Ang mga astronomical events na ito ay nagbabadya lamang ng kapanganakan ng isang matinding hari at ito ay naganap bandang buwan ng Marso, 5 B.C.



Partygoer si JHC nung nabubuhay pa siya. Bakit siya iimbitahin sa isang kasalan sa Cana sa Galilee kung hindi? Di lang yun, kasama pa niya buong tropa--pati nanay niya. At nang magkaubusan ng inumin (hard man yun o beer) ginawang wine ni JHC ang 6 na tapayan ng tubig. Hindi lang basta wine, kundi "good" wine na nakalalasing. Mas mababa kase ang alcohol content ng "poor" at mahinang klaseng wine. Nakipag-inuman din si JHC kay Levi at sa mga tax collectors kaya tuloy nasabihan siya ng mga Pharisees na bumabarkada sa mga "sinners". Sagot naman niya: "It's not the healthy who need a doctor, but the sick." Bukod dito, di ba't wine ang chaser nila JHC sa Last Supper?

Barrier breaker si JHC dahil binasag niya ang mga nakaugalian nang paniniwala at prejudices ng mga tao. Bakit kamo? Sino namang matinong titser ang pipili ng mga tiwaling tax collectors, mga mangingisdang no-read no-write, mga tambay, atbp. bilang mga alalay? Sa parable niyang "Good Samaritan," isang Samaritano ang tumulong sa isang Hudyo na di lang estranghero kundi mortal pa nitong kaaway. Di lang ito tungkol sa pagtulong sa nangangailangan, kundi loving your enemy. At sinu-sino pa ang kinalinga ni JHC? Mga Hentil o di-Kristiyano, mga puta, mga paralitiko, mga may kapansanan, mga ketongin, mga sinasapian, mga retarded (tulad ko hehehe)--in other words, ang mga itinuturing na "impure" at outcast ng simbahan noon.



Contrary sa mga nakagisnan na nating paintings at pelikula tungkol kay JHC tuwing Semana Santa, hindi siya tisoy, hawasan ang mukha, at long hair--di siya cute at artistahin sa madaling salita. Ito'y dala na rin ng mga pintor na gumuhit sa kanya na ibinase ang kanyang itsura sa kanilang kultura. Kahapon ay nagbisita-iglesia nga kami ng mag-ina ko at noon ko lang nakita ang kulay itim na Kristong nakapako sa cathedral ng Plaridel at gayun din ang higanteng si "Apo" na may pasan na krus sa isang bisita sa Lugam. Sa ginawang facial reconstruction kay JHC sa BBC-Discovery dokyu, tumambad sa akin ang isang mamang malapad ang noo, pangahan, maitim, malaki ang ilong, maraming wrinkles, halos naka-afro, at mukhang mas matanda sa kanyang edad. Ito'y dala na rin siguro ng init sa Middle East, hirap ng trabaho doon, at pagiging Palestino.

Commie si JHC at ito'y makikita sa Acts of the Apostles: "They held everything in common, they would sell their (private) property and possessions and make a general distribution as the need of each required." Para bang "from each according to his ability, to each according to his need" ni pareng Marx. Binanggit din ni JHC na "if you want to be perfect, go, sell your possessions and give to the poor, then come, follow me" sa Matthew; "the man with two clothes should share with him who has none, and the one who has food should do the same" sa Luke; at "suppose someone is without clothes and daily food, if you say to him, 'Go, I wish you well, keep warm and well fed,' but does nothing about his physical needs, what good is it?" sa James. Kunsabagay, walang naiwang ari-arian si JHC--ultimo yung kanyang damit ay pinitik at pinagsugalan.



Tulad ng nabanggit ko noong Palm Sunday, radikal si JHC. Wala sanang problema kung naglakad lang siya papasok sa templo ng Jerusalem tulad ng ibang tao. Ang siste, sumakay pa siya sa isang donkey at sa east gate mismo ng templo pumasok bilang pagtupad na rin sa hula ni Zechariah hinggil sa darating na "messiah" o "christ"--liberator o the (anointed) one sabi nga sa Matrix the movie. Dahil nga Passover, may tensyon sa pagitan ng mga Hudyo at Romano. Isipin niyo na lang ang sitwasyon sa Pinas noong panahon ng Kastila. Di lang yan, pumasok pa si JHC sa loob ng templo, dumampot ng latigo, at itinaob ang mesa ng mga money changers bilang protesta sa kalakarang palitan ng perang "impure" sa "temple" money--sa ilalim ng purity laws. Kumbaga, para kang pumunta sa harap ng U.S. embassy at sinindihan ang bandila ng Amerika.

Lover boy si JHC at kung napanood niyo ang the Da Vinci Code, alam niyo na ang tinutukoy kong naging syota niya, kundi man kabiyak. Syempre walang iba kundi si Mary Magdalene na "apostle to the apostles" o ang siyang pinakamalapit kay JHC at 13th disciple niya. Salungat uli sa nakagisnan na natin, hindi puta o prosti si Magdalena. Siya ay biktima lamang ng historical na paninirang-puri dahil na rin sa ang nag-translate ng modernong Bibliya ay mga lalakeng walang asawa at matatandang binatang mongha--patriarchal kumbaga. Ito rin ang dahilan kung bakit pilit na pinabubulaanan ng simbahan ang gospel of Mary na sinulat niya, gaya rin ng pagsasaisantabi nito sa gospel of Judas, Dead Sea scrolls, atbp. Sino nga bang babae ang itataya ang buhay at pupunta sa crucifixion ni JHC habang ang lahat ay nagsipagtago na, kundi asawa?



Hindi naghudas si Judas. Una, si Judas lamang ang tinawag na "friend" ni JHC tulad ng pagtawag niya ng "beloved" kay Magdalene. Pangalawa, bilang treasurer ng grupo, si Judas ang karaniwang naaatasang magbayad ng temple tax tuwing dumadayo sila sa Jerusalem kaya siya rin ang pinakamadikit sa high priest na si Caiaphas--liaison officer kumbaga. Pangatlo, at ayon na rin sa gospel of Judas at documentary film ng National Geographic na pinanood ko rin, sinunod lamang niya ang utos ni JHC sa kanya na i-handover siya sa mga awtoridad. Ito ay para na rin makaharap ni JHC si Caiaphas. Di ba't sabi nga niya kay Judas sa last supper: "What you must do, do quickly?” Ang 30 piraso ng silver ay pabuya o SOP (standard operating procedure) sa sinumang nagta-turnover ng tao tulad na lamang pag nagtimbre ka ng isang wanted o kumpanyang may pirated software. Kung guilty si Judas, bakit siya magbibigti?

Ang crucifixion ay parusa ng Roman empire sa mga akusadong pulitikal at hindi sa basta lamang kriminal. Si Jeremiah ay namatay sa pamamagitan ng pagbato, si John the Baptist ay pinugutan ng ulo. Bagamat mas pinili ni JHC ang non-violence at passive resistance, hindi maitatatwa na kinalaban niya ang palakad ng estado at relihiyon, tulad ng ginawa ni Gandhi ng India sa British empire. Dahil dito, kinasuhan si JHC ng sedisyon at blasphemy. Ipinako si JHC sa isang olive tree na pinagkrus sa pasan niyang pahabang kahoy--hindi ready-made ok. Nakakatawa lang isipin na kung namatay pala si JHC sa pamamagitan ng firing squad o kaya'y electric chair e di baril o silya ang simbolo natin sa altar. At sa halip na magkrus ay itututok natin ang ating hintuturo sa ulo. Kabalintunaan din na ang mga Romanong kumitil ng buhay ni JHC ang siya ngayong nagpapalaganap ng kanyang pananampalataya. (to be concluded...natatawa ako hi-hi-*Hippie)





On Easter Sunday
(originally posted by HC in his FB notes on 5 April 2010)

Alive! Parang stickman tshirt ng Pearl Jam at pelikulang 3D na Avatar. Ano kaya kung hindi naganap ang resurrection ni Jesus H.* Christ? Malamang sa hindi, season 1 lang ang Bibliya (cancelled ang season 2 o New Testament), walang Easter bunny, wala ring Easter egghunt, at lalong hindi ako gigisingin ng mag-ina ko ng 4 a.m. ng madaling araw para ihatid sila at manood kami ng Salubong sa patio ng Barasoain. In other words, corny ang buhay kung walang Pasko ng Pagkabuhay. Ngunit ano nga ba ang pinatunayan ni JHC sa kanyang resurrection makaraan ang 3 araw niyang NDE (near-death experience)?

Tulad ni JHC, tayo ay mga spirit-souls sa ating materyal na katawan--we are not the body. "The body without the spirit is dead" sabi nga sa James, at "don't fear those who kill the body but are unable to kill the soul" sa Matthew. Sa Bhagavad-Gita/ Vedas ng mga Hindu: "The soul can never be cut into pieces by any weapon, nor can be burned by fire." Kumbaga, ang spirit-soul ay maihahalintulad sa drayber o piloto, at ang katawan naman, sa kotse o eroplano. Kung mahilig kang manood ng anime, maituturing na si Amuro Ray ang spirit-soul at ang pinaaandar niyang Gundam (robot) ang katawan. Tulad ng lahat ng materyal na bagay sa mundo, nasisira at naluluma ang kotse at dinadala ito ng drayber sa kasa para ipagawa o--kung wala na talagang pag-asa--sa junk shop. Gaya ng minamaneho nating katawan: nagkakasakit, naoospital, tumatanda, at balang araw ay titirik din. Pero, tulad ni JHC, hindi tayo mamamatay kasama nito. Duh?



"For the things which are seen are temporary, but the things which are not seen are eternal" sabi nga sa Corinthians. "For the living being there is neither birth nor death. Nor, having once been, does he ever cease to be. He is unborn, eternal, ever-existing, undying. He is not slain when the body is slain" ayon naman sa Gita/ Vedas. In short, kung nakinig ka lang sana sa iyong hayskul science teacher, law of conservation of mass and energy ang tawag diyan: "Energy is neither created nor destroyed, but can only be transformed." Tayo, bilang mga spirit-souls tulad ni JHC, ay gawa sa energy at hindi made in China ok? Kung idol mo si Luke Skywalker at fan ka ng Star Wars the movie, "life force" ang tawag sa atin. Maaaring mamatay o mabulok ang ating pisikal na katawan pero tayo, bilang enerhiya, ay patuloy na mabubuhay at, tulad ng drayber, maaaring magpalit ng bagong modelong sasakyan (body) kung di pa natin trip mag-round trip sa ating pinagmulan. Saan yun? Sabi nga sa Star Wars: "May 'the Force' be with you always." Ano/ Sino yun?

"God created man in his own image and likeness" sabi nga sa Genesis. Naitanong ko dati sa aking sarili: Kung ganun e bakit may pinapanganak na mahirap-mayaman? pangit-maganda? babae-lalake? kumpleto-may kapansanan? nognog-tisoy? Naisip ko na sa pisikal na katawan o panlabas ako nakatingin--may diskriminasyon. Kumbaga, sa modelo ng kotse sa halip na sa drayber sa loob nito. Kung spirit-souls tayo at kapareho natin si God, masasabi nating ang supreme being ang super-soul o great spirit--at tayo'y mga "sparks" lamang ng isang malaking sunog/ apoy. Dahil summer ngayon, isipin mo na lang nasa beach ka habang kumukutsara ng tubig-alat mula sa dagat. Di ba't ang katangian at lasa ng tubig-alat sa kutsara ay kapareho rin ng sa napakalawak na ocean? Kung ganun, wala nga tayong pinagkaiba kay God at sa bawa't isa. Nagkakaiba-iba lang tayo sa pisikal na katawan o damit na ating isinusuot tuwing tayo'y (muling) ipinapanganak. Kadalasan pa, napagkakamalan natin ang ating damit na suot bilang tayo o self, sa halip na yung spirit-soul na may suot nito. Ok ba soulmate?



"No one can see the kingdom of God unless he is born again (literally)" sabi nga sa John. Di ba't si JHC na rin ang nag-confirm na si John the Baptist ang mismong reincarnation ("to be made flesh again") ng propetang si Elijah sa Matthew? Sa Koran ng mga Muslim: "You were dead, and he brought you back to life. He shall cause you to die, and shall bring you back to life, and in the end shall gather you unto himself." Sa Zohar naman ng Cabala: "The souls must re-enter the absolute substance whence they emerged. But to accomplish this, they must develop all the perfections, and if they have not fulfilled this condition during one life, they must commence another, a third, and so forth, until they have acquired the condition which fits them for reunion with God." At sa Gita/ Vedas ng India: "As the embodied self continually passes in this body from boyhood to youth to old age, the self similarly passes into another body at death." Scientific ito dahil ayon sa medisina, kada 5 taon ay napapalitan ng bago ang lahat ng atom (as in all) ng ating pisikal na katawan bunga ng metabolism--paghaba ng buhok at kuko, pagpapawis, paglilibag, pag-ihi, pagtae, pagbabate, atbp. Kumbaga, wala ni isang atom sa katawan mo ngayon ang nandiyan 5 years ago. Kung wala na pala ang ating dating katawan, bakit nag-eexist pa rin tayo? Simple lang, i-divide mo sa 5 ang edad mo ngayon at malalaman mo kung ilang beses ka ng nag-reincarnate bilang spirit-soul dito pa lang sa lifetime na ito. Believe it or not.

Mabilis ang balik ng karma ("action" o "deed") sabi nga: "A person reaps what he sows" ayon sa Galatians. Ito ang "wheel of nature" sa James at ang golden rule sa Luke: "Do to others as you would have them do to you." Sa John, tinanong si JHC: "Who did sin, this man or his parents, that he was born blind?" Muli, kung nakinig ka lang sana sa hayskul science teacher mo, Newton's 3rd law of motion ang tawag diyan: "To every action there is always an equal and opposite reaction." Maaaring nakaisa si Hitler sa lifetime na ito pero marami pa namang susunod hehehe. Sabi nga sa Srimad Bhagavatam ng Vedas: "According to his previous work, the living entity must capture another body before giving up the one he has. This is because the mind is the reservoir of all kinds of material desires." Ito ang universal principle/ cycle ng cause at effect (gulong ng palad wika nga). Teka, maiba ko. Ngayong tapos na naman ang Kuwaresma at lumang balita na ang pagkabuhay magmuli ni JHC, ano kaya ang puwede pa nating pag-tripan? May narinig ako, antayin na lang daw natin ang kanyang second coming. Duh?



Si JHC ay isang avatar ("appearance" o "descent" from heaven to earth). Kung napanood niyo ang pelikulang ito--sa sinehang 3D, piratang DVD o sa bus man, isipin niyo na lang na si Jake Sully ay parang si God, at ang kanyang Na'vi body ay si JHC na incarnation ng supreme being--ang pagkakaiba nga lang, di lang isa kundi marami ang naging incarnation ni JHC. Sabi nga sa Gita/ Vedas: "Whenever and wherever there is a decline in religious practice and a predominant rise of irreligion, at that time I descend myself...in order to deliver the pious and to annihilate the miscreants, as well as to re-establish the principles of religion, I advent myself millenium after millenium." Kung naaalala niyo pa yung sinabi kong matinding astronomical event na nangyari nang ipanganak si JHC, nagaganap lamang iyon isang beses sa humigit-kumulang 1,000 taon o sa loob ng isang millenium.

Kung ganun, hindi lang pala yun second coming ni JHC kundi pangatlo, pang-apat, panglima o baka nga pang ilang libo na dahil di lang naman earth ang nag-iisang planetang may buhay sa ating material universe. Sabi nga sa pelikulang Contact, "if it's just us then it seems like an awful waste of space" di ba? Anyway, dito na lang muna tayo mag-concentrate sa earth. Tanong: Sinu-sino ba ang mga naging importante at sikat na incarnations ni JHC bago siya naging siya? Sagot (in no particular order): si Amilius ng Atlantis, ang "son of man" o unang tao na si Adam, ang biblical na si Enoch, ang high priest na si Melchizedek, ang anak ni Jacob at naging prince of Egypt na si Joseph, ang nagdala sa mga Israelites sa Promised Land na si Joshua, ang music director nina David at Solomon na si Asaph, ang high priest na nag-compile ng Bibliya na si Jeshua, ang Egyptian na si Horus/ Amen-ra na anak ni Osiris at Isis, ang Hindu na si Krishna na nagdikta ng Gita kay Arjuna, ang Persian na si Mithra, ang tatay ni Zoroaster at nagsulat ng Zend Avesta na si Zend, at ang "anointed one" na si Buddha, among many others. Tanong nga ni JHC sa gospel of Thomas: "When you see a likeness of yourself, you are happy. But when you see your images that came into being before you, and that neither die nor become visible, how much will you be able to tolerate?"



Back to work na kaya wala na kong oras para ipakita rito ang pagkakahawig ng buhay at turo ng ilang mga nabanggit kong avatar sa naging life at teachings ni JHC. Tandaan lang natin na di lang Facebook ang meron sa internet, meron ding Google at Yahoo kaya kayo na ang bahalang mag-research hehehe. Sa huli, it's a matter of faith pa rin. Di kelangan ng isang Christian/ Catholic o atheist/ agnostic na maging Hindu o Buddhist, just as a Hindu/ Buddhist doesn't need to declare him/ herself a Christian or atheist or even as a Satanist para ma-appreciate ang magagandang turo ng ibang paniniwala. Sabi ko nga, panlabas na damit lang yan. Hindi tayo yan. At the end of the day, iisa lang naman ang tinutukoy nating God, iba-iba lang ang name (Yahweh, Govinda, Allah, Krishna, JHC, atbp.), salita (Bible, Koran, Bhagavad Gita, etc.) itsura, at trip niya. Naalala ko tuloy yung anak ko nang mapadaan kami sa simbahan ng Iglesia ni Kristo at magkrus siya: sabi ng mommy niya huwag at mali raw. Sabi naman ng daddy niya: sige lang anak, si God din ang nandiyan. (di na ko natatawa...naiihi na ko hi-hi-*Hippie)



Photos by Hippie Commie (Kapitangan, 2003)

Thursday, April 21, 2011

Hike, Climb and Dive at Puerto Galera

Or how I spent the first half of Holy Week at White Beach & Aninuan Falls in Puerto Galera, Oriental Mindoro with my good old backpack and my worn but trusty trekking sandals while taking cheap shots from my lo-tech camphone under natural lighting and tripping out on the sounds of nature and the sound of one hand clapping.





Sunday, April 17, 2011

Juan Freakshow

Starting with this post, I'm going to feature some of the cool people that I think are doing or have done a really good job in pushing the envelope in their respective scenes. Kicking off IntRebyu is my brief Q & A with my younger cuz, Jiggie (short for Juan Miguel Augusto), who uses an arresting visual and tactile vocabulary to explore the darker elements of human experience thru his freakish mask sculptures, unsettling drawings/ paintings, and disturbing videos.







How were you introduced to mask-making, and when did you first realize you're an artist?

As a child I've always been a good drawer and a sculptor in my age. I was also fascinated by horror as well. I just never knew how big those two things will play a role in my life--art and horror. I knew I was good at what I did at that time but I didn't really take it seriously. First off, I didn't know that art was going to be a huge factor in my life. I got inspired to make masks by listening to Slipknot and through a YouTube user named AgothInnCloth. As a huge Slipknot fan back then I was really amazed by the masks that they all wore. Also at that time I stumbled upon a YouTube user named AgothInnCloth and I saw him make videos of his own homemade Slipknot masks. I was like, "If he can do that in his own home then I can too!" As a birthday present I asked my mom (Tita Evelyn) if she can buy me the starter kit for making masks in replacement of buying the Nintendo Wii at that time. I had to undergo a series of stupid mistakes in order to get where I am today in making art. I'm just glad that I didn't actually start creating Slipknot masks similar to AgothInnCloth's style, I went my own way and walked the path of originality instead of limiting myself by copying what's already been designed. And that's pretty much how it all got started.







Can you tell us what it was like for you growing up in the Philippines (preschool) and then finishing elementary and high school in the US?

I don't really remember much about my preschool year in the Philippines but I still have the class photograph and every time I look at it, it actually opens up repressed memories of my childhood actually. But as a human being growing up in both worlds, I actually had severe social issues in my elementary years in the US. I just felt inferior you know. Middle school was a pretty exciting experience but at the same time it wasn't. Middle school was my first experience in hell. It was the time where I was bullied and made fun of. I just felt so helpless back then. It hurts to think that my world was small back then and I let faggot bullies take over my emotions. I'm just glad that I got through it and learned from it. My high school was very different. I was still a bit shy in some ways but I didn't get bullied. I can't really remember the good times in high school when all I can remember was my six heartbreakers. No, I never dated any of them. In fact most of them I never told that I liked them, that I wanted a relationship with them. I just ended up seeing or knowing that they like someone else and to me at that time it broke me into many pieces. I'm a jealous person by the way. I'm just glad that I got through it and I didn't continue my suicide thoughts in my second year in high school all because of a slutty girl. That slutty girl who was my first heartbreak is what started Freakshow in the first place. Let's just say that my high school years were very depressing but yet satisfying at the same time now that I think of it. I'm glad that I went through my six heartbreakers because through them I found Chaz Maedelene Santos--the one that I have been waiting for. The perfect girl. Distance is the price you pay for having someone so perfect. But now comparing, Philippines and the US, I'll have to say that if you want a decent education without the negative factor bringing you down deeper then go to the Philippines. I'm pretty sure there aren't a lot of bullies or heartbreakers. All I know is that in the Philippines people cherish education, here in the US they spit on the school's faces.







I see your parents encourage your creativity. What was their initial reaction to your decision to study film at the Art Institute of California instead of taking up medical studies like your dad, Tito Nap, who's a doctor?

Well at first as a child I wanted to become a doctor just like my dad but again when we are all kids we say the most ridiculous things. Till this day I'm still fascinated by the human body, and for that I'm self-studying anatomy to better off my artwork. Anyways, my parents support me way too much in my art actually. They free me in the most ridiculous ways just for me to exercise what I love to do in my life. They literally support me financially and morally in not just art but life as well and for that I love them very, very much. They go to the extremes of supporting me, like moving to California and abandoning their stable jobs there (in Virginia). It's quite an amazing feat. They're the definition of parents: supporting, accepting, and loving. I've chosen this path in art and there is no way I'm turning back. Success is my only option and failure is not.







Could you tell us more about your work. What inspires you to depict a particular subject, and what is it about masks that keeps you making them?

I have a whole system just for that. You see, my art is not just art, it's art with symbolism. The symbolism itself relates to the flaws of life, America, as well as myself. I bring out the ugly and dark because people in life are too ignorant to see and understand that all good things have a bad side to them and that there is no such thing as a perfect world. I use my pessimistic mind to achieve such tasks like these. Think of me as an artist who dwells in darkness to serve the light. I'm bringing out what a lot of people don't see in everyday life such as negativity, death, and what not and bringing it out in the open. I have a whole philosophy in life that helps me to achieve such art with symbolism. I call it Deformism. Let's just say it means being different and original is way better than being a copy. A wolf among sheep.







What famous artists have influenced you? Any fave books/ writers?

The only artist that has influenced me in creating art and masks is probably Alex Wood aka AgothInnCloth. Not to be close-minded but he helped get me to where I am in the world today as well as in my art. Although there are other artists out there like Jeremi Rimel aka Miscreation who really put a new meaning to art and horror. Artists like them invent a whole new world of horror and art together, and to my disappointment there are not a lot of artists like that in the world. I don't really read much to be honest but I'm still trying to get my mind into reading books because reading is for the mind. Reading helps you visualize images and videos in your head, and that is something I need to fully develop to benefit my artwork and videos.







What do you do for fun besides sculpting/ drawing? What bands are currently rocking your stereo? Any fave video games?

Other than art I'm a huge gamer. I have most of all the new release games that are worth my money. I own an Alienware gaming laptop, PSP, Nintendo DS, Wii, PS3, and an Xbox 360. Yes, I'm insane. I don't even have the time to play all of them. I don't even know when's the last time I picked up my DS but hey, I bought them for one reason and that's entertainment. I enjoyed playing them in the past and owning them in general and that's what I'm proud of. I've always been a gamer since when I was a child actually. I played my first video games in the N64. Aside from video games, I listen to a lot of music ranging from Dubstep, Metal, Death Metal, and Slam Death Metal as well as other genres that you never thought I would listen to. All except rap and hip hop. I love listening to music because it doesn't just give you motivation to do things but it also helps me get into the mental state of creating when I listen to certain music depending on my mood.







What advice would you give to an artist just starting out, and where do you see yourself in 13 years?

My advice to an artist that's just starting out is to put your mind into your work because if you keep doing this over and over you will evolve and become an even better artist. Also another advice, when you are creating art and you plan to become noticed by your work--BE ORIGINAL! When you are original you are proving to everyone that you have no boundaries in creativity and you can literally create things that only you have thought of in your head. I have many more advices but those two are the two main ones. In 13 years I see myself as having a wife, I don't know about kids though. But I know I will be married at that time. Also, by that time I would be in movie-making industries working as a professional digital and traditional SPFX artist. That's always been my dream. If I've already gotten this far at the age of 18 then I can go even further when I'm older.





Photos by Juan "Jiggie" Caparas

http://www.youtube.com/EvilSlaughter13/

This Is Not A Punk Show



What: "This Is Not A Punk Show (Art Exhibit Opening)"
When: Saturday, Mar. 26 at 5:00pm
Who: Legarda, Kaktus Karuka, Bystorm, Execution Of Terror, Omerta, Bad Omen
Where: Kalye Art Gallery, 1220 Estrada st., Singalong, Taft Ave.
How much: FREE
http://www.diypinoyhcpunk.com















Photos by Keith Dador




What: "HC Punk Culture Film Showing (The Edge, Inside Outside Street Art)"
When: Sunday, Apr. 3 at 4:00pm
Who: Dispute, Blanix, Theax, Tame The Tikbalang, The Beauty of Doubt, Republika De Lata, ADA

ToyCon 2011





What: "10th Philippine Toys, Hobbies & Collectibles Convention 2011"
When: Saturday, Jun. 18 at 10:00am - Sunday, Jun. 19 at 10:00pm
Where: Megatrade Hall 1, 2 & 3, 5th Level, Bldg. B, SM Megamall
Admission: P100
http://www.toyconph.com

TagCom 2011



What: Hobbiworx presents "The Gathering: 5th TAGCOM Toys & Hobbies Convention"
When: Friday, May 20 at 10:00am - Sunday, May 22 at 9:00pm
Where: Robinsons Midtown Mall Atrium, Ermita
Admission: FREE











Photos by Ricky "45caliber" De Keyser